Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan
sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Sa Pilipinas, ito ang mga
sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:
Filipino: ay ang pangunahing wikang
sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog
kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga
naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga
nasa rehiyon sa CALABARZON AT MIMAROPA. Ito
rin ang pangunahing wika ng Pambansang
Punong Rehiyon na
siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga
taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng
Pangasinan at ilang bahagi ng
Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon
Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang
Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya.
Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa
pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf
Samar at Leyte sa Silangang Visayas.
Nice overview! Thanks! Sakit.info
TumugonBurahinI like the information, brief and concise... thanks
TumugonBurahin