Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.
Sabado, Setyembre 14, 2013
Kultura
Ano nga ba ang ibig sabihin
ng “Kultura”?
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.
Ito ay nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat pangkat o grupo ng mga tao. Dito rin naipapakita ang pagkakaiba-iba ng bawat pangkat. May kani-kanila silang orihinal na talento sa iba’t ibang larangan.
Ang Kultura sa Pilipinas
Bawat bansa ay may kani-kanilang pinaniniwalaan o
nakagawiang gawain na ipinamana ng kani-kanilang mga ninuno. Ang Pilipinas ay tinaguriang
mayaman sa iba’t ibang larangan sa kultura at isa sa mga bansang kinikilala ang
kulturang nagmula sa ating mga ninuno . Naimpluwensyahan tayo ng ating mga
ninuno kaya ito’y ating ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
“Huwag kalimutan
ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.”
Mga Kultura sa Pilipinas:
- Wika
- Paniniwala
- Tradisyon o Kauglian
- Pagkain
- Sining
- Kasuotan
- Relihiyon
Wika
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan
sa paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
Sa Pilipinas, ito ang mga
sumusunod na malimit gamitin sa bawat rehiyon ng bansa:
Filipino: ay ang pangunahing wikang
sinasalita sa bansa. Ito ay nakasalig sa pangunguna ng Tagalog
kasunod ng iba pang umiiral na mga pagbigkas sa Pilipinas.
Tagalog: sinasalita ng mga
naninirahan sa Katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ito ng mga
nasa rehiyon sa CALABARZON AT MIMAROPA. Ito
rin ang pangunahing wika ng Pambansang
Punong Rehiyon na
siyang kabisera ng bansa.
Ilocano: pangunahing wika ng mga
taga HILAGANG LUZON at ginagamit din ng mga taga nasa rehiyon 1 at 2.
Panggasinan: Ginagamit sa lalawigan ng
Pangasinan at ilang bahagi ng
Hilagang Luzon at Gitnang Luzon.
Kapampangan: Sinasalita ng mga taong naninirahan sa Gitnang Luzon
Bikolano: Wikang sinasalita ng mga naninirahan sa Timog-Silangang
Luzon.
Cebuano: Tinatawag ding Bisaya.
Pangunahing wika ng Lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao.
Hiligaynon: Tinatawag na Ilonggo. Sinasalita sa mga lalawigan sa
pulo ng Panay at Kanlurang Negros.
Waray-Waray: Wikang ginagamit sa mga lalawigan sa pulo nf
Samar at Leyte sa Silangang Visayas.
Halina't Kumain
Ang mga Pilipino ay madaming kinahihiligan. At isa na doon ay ang pagkain.
Eto ang mga halimbawa ng mga pinakasikat na pagkain ng Pilipinas:
Eto ang mga halimbawa ng mga pinakasikat na pagkain ng Pilipinas:
Menudo
Malalagkit
:
Mga Tradisyon o Kaugalian ng mga Pilipino
Ano
nga ba ang “tradisyon o kaugalian”?
Ito
ang mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga
anak nila.
Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at samga tradisyon. Sila din ay mahilig maniwala sa mga pamahiin.
Kami ay magbibigay ng mga Halimbawa.
Mga Karaniwang Tradisyon ng mga Pilipino
- Piyesta
- Mahal na araw/ Senakulo
- Mamanhikan
- Harana
- Simbang gabi
- Flores De mayo
Madalas
na Kaugalian
Pagmamano
– ito’y madalas ginagawa ng mga nakababata sa kanilang mga magulang o sa mga
nakatatanda sa kanila.
Paggamit
ng “po at opo” sa nakatatanda – ito’y simbolo ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Mahilig
makipagkapwa-tao -kapag madalas silang may nakakasalamuhang tao.
Mapagkumbaba
– nananatili pa rin ang kanilang mga paa na nakaapak sa lupa.
Madalas
na Paniniwala
Sa
Kusina:
Bawal
kumanta sa harap ng kalan - may masamang mangyayari.
Bawal
kumanta sa hapag-kainan – simbolo ng hindi pagrespeto.
Bawal
paglaruan ang apoy – maaaring lumabo ang mata.
Hindi
dapat makabasag ng pinggan sa araw ng okasyon – ito ay simbolo ng kamalasan.
Sa
Kasal:
Bawal
isukat ang damit pangkasal – Maaaring hindi matuloy ang kasal
Bawal
magkita ang magkapareha bago ang araw ng kasal – maaaring mamatay ang isa sa
kanila.
Dapat
unahan ng babae ang lalake na lumabas ng simbahan – upang hindi siya maliitin.
Kapag
umulan sa araw ng kasal – simbolo ng kaswertehan.
Kapag
may sumakabilang-buhay
Bawal
matulog sa tabi ng kabaong – maaaring hindi mo mapipigilan ang paggalaw ng ulo
mo.
Bawal
magkamot ng ulo – maaaring magkaroon ng kuto.
Pagsuutin
ng pulang damit ang mga bata/ Pagtawid ng mga bata sa kabaong
– upang hindi sila guluhin ng namayapa.
Dapat
putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa – upang hindi na siya masundan.
Bawal
magwalis sa araw ng burol – bilang respeto
Bawal
matuluan ng luha ang kabaong – upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa
langit.
Iba
pang pamahiin:
Bawal
maggupit ng kuko sa gabi – upang hindi malasin .
“Friday
the 13th” – mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari
sa iyong masama.
Paggsing
ng alas tres ng madaling araw – maaaring may dumalaw sa inyo. Paggising ng mga
ispiritu.
Kapag
may nakita kang taong pugot ang ulo – maaari siyang mamatay (pwede itong
mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa)
Idaan natin sa Sining
Ang mga Pilipino ay malikhain tao. Sa iba't ibang klase ng sining, makikita ang mga talento ng mga Pilipino.
Sayawan:
Tinikling
Singkil
Pandanggo
sa ilaw
Kanta:
OPM - Original Pilipino/Pinoy Music
Halimbawa:
Laro:
Sipa
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)